^

Police Metro

Bahay ni Marwan sinunog

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ilang oras matapos bumisita ang mga miyembro ng PNP Board of Inquiry (BOI) sa Brgy. Pidsanda­wan, Mamasapano,Maguindanao para magsagawa ng occular inspection sa madugong pagkamatay ng 44 Special Action Force (SAF) commandos  ay sinunog ng mga armadong kalalakihan ang bahay ng Malaysian bomb terrorist  na si Zulkipli bin Hir alyas Marwan, na napaslang  sa Oplan Exodus noong Enero 25.

Sa ulat ni Sr. Inspector Reggie Abellera, hepe ng Mamasapano Police, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang panununog ng isang grupo ng mga armadong kalalakihan nang buhusan ng gaas saka sinilaban ang bahay ni Marwan na gawa sa mahihinang uri ng materyales.

Nagtungo na sa lugar ang isang team ng mga pulis upang iberipika ang nasabing panununog bagaman aminadong hindi basta mapapasok ang lugar.

Ayon  naman kay  Mohaqher Iqbal, Chief ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) negotiating panel, hindi nila batid kung sinong grupo ang nasa likod ng panununog gayung ang lugar ay pinamumugaran ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Itinanggi naman ni Abu Misry, spokesman ng BIFF na sila ang nasa likod ng panununog. - Joy Cantos-

vuukle comment

ABU MISRY

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BOARD OF INQUIRY

JOY CANTOS

MAMASAPANO POLICE

MARWAN

MOHAQHER IQBAL

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

OPLAN EXODUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with