^

Police Metro

Payroll money tinangay ng 6 holdaper

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hinoldap ng anim na kalalakihan na magkakaangkas sa tatlong motorsiklo ang payroll mo­ney ng isang kum­panya na bagong withdraw sa bangko kamakailan sa Valenzuela City.

Batay sa naantalang ulat, dakong alas-3:45 ng hapon noong Biyernes nang harangin ng tatlong motorsiklo na lulan ng dalawang katao ang Toyota Innova (TQA-190) na kinalululanan ng mga kawani ng Cellpak Packaging Industries na pag-aari ng isang Neil Adrian Sison pagdating sa Trinidad St., Victoria Village, Brgy. Canumay East, ng lungsod.

Nabatid na kagagaling lamang sa isang bangko sa may General Luis Street sa Brgy. Paso de Blas ang mga biktima matapos na mag-withdraw ng hindi mabatid na halaga ng perang pampasweldo.

Nagawang buksan ng mga salarin ang pinto ng sasakyan at tangayin ang bag na naglalaman ng pera ng kumpanya at maging ang cellular phone ng mga sakay na  walang nagawa sa takot na barilin sila ng mga suspek na mabilis na nagsitakas lulan ng kanilang mga motorsiklo.

vuukle comment

BRGY

CANUMAY EAST

CELLPAK PACKAGING INDUSTRIES

GENERAL LUIS STREET

NEIL ADRIAN SISON

TOYOTA INNOVA

TRINIDAD ST.

VALENZUELA CITY

VICTORIA VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with