^

Police Metro

Trader kinatay ng trabahador, live-in partner sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang 69-anyos na negosyante habang matinding nasugatan ang live-in partner nito nang pagsasaksakin ng  trabahador na nahuli sa aktong nagnanakaw sa kanilang tahanan sa Brgy. San Juan, Surigao City, Surigao del Norte kamakalawa.

 Ang biktimang si Samuel Apole Sr., ay idineklarang dead-on-arrival sa CARAGA Regional Hospital sanhi ng tinamong malalalim na saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Nilalapatan naman ng lunas ang live-in partner nitong si Rosalia Escol, nasa hustong gulang.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente  dakong alas-11:30 ng gabi sa tahanan ng maglive-in partner kung saan natutulog ang mga ito. Ngunit nang maalimpungatan ay nagising sa kaluskos ng suspek na si Romart Payumo alyas Roldan, 21, habang nagha­halughog sa kanilang silid.

Nasa aktong  kinukuha ng suspek sa bag ni Rosalia ang laman nitong P2,000 cash at ang mga alahas at pera sa drawer. Agad na humingi ng tulong ang mga biktima na ikinairita ng suspek kaya mabilis na pinagsasaksak nito ang kanyang mga amo.

Ang suspek ay mabilis na tumakas tangay ang hindi pa mabatid na halaga na pag-aari ng mga biktima. Patuloy rin ang hot pursuit operations laban sa suspek.

vuukle comment

BRGY

NGUNIT

REGIONAL HOSPITAL

ROMART PAYUMO

ROSALIA ESCOL

SAMUEL APOLE SR.

SAN JUAN

SURIGAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with