^

Police Metro

Sekyu dedo sa karelyebo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa pagtatalo sa kanilang duty sa trabaho ay nabaril at napatay ng isang sekyu ang kanyang karelyebo naganap sa kanilang binabantayang establisyimento kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Victor Abadina, security guard ng Marvan Security Agency at residente sa may 117 Pajo St., Project 2 sa lungsod.

Nadakip agad ang suspek na si Melquisedec Ta­laboc, 25, residente ng Caloocan City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-8:00 ng gabi sa Lyric Olano Florentina Bldg., na matatagpuan sa no. 184 Dralejo St., kanto ng Retiro st., Brgy. Paang Bundok, Laloma ay nagtalo ang dalawa dahil sa kanilang mga duty kung saan madalas umanong nale-late ang suspek na ikinagagalit ng biktima.

Habang nagtatalo ay nagbunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang biktima na tinamaan sa balikat.

Kahit sugatan ay nagawang makatakbo ang biktima patungo sa isang tindahan, subalit sinundan pa siya ng suspek at binaril sa ulo na siya nitong ikinamatay.

Mabilis na nakaresponde ang mga pulis at naaresto ang suspek na tatakas na sana.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

DRALEJO ST.

LYRIC OLANO FLORENTINA BLDG

MARVAN SECURITY AGENCY

MELQUISEDEC TA

PAANG BUNDOK

PAJO ST.

QUEZON CITY

VICTOR ABADINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with