^

Police Metro

Ginang ipina-rape ng nobyo sa apat na pinsan

Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi matanggap ng isang 48-anyos na ginang ang ginawa sa kanya ng 24-anyos na nobyo na  matapos silang mag-sex ay pinapasok nito sa kanilang kuwarto ang apat nitong pinsan at siya ay halinhinang hinalay na naganap sa mismong Valentines Day sa Brgy. Bangad, Milagros, Masbate.

Ang biktima na nagsampa ng reklamo sa pulisya ay itinago sa pangalang Linda, barangay tanod.

Habang ang mga suspek ay kinilalang sina Michae Olado y Pa­saylo, 24 (nobyo ng biktima); at mga pinsan na sina Jesus  Pasaylo, 31;  Junery  Olado, 22; Porperio  Malaki, 32; at Rommel  Adriano, 18, pawang mga ma­ngingisda.

Sa salaysay dakong alas-11:00 ng gabi ay katatapos lang magtalik ang biktima at ang nobyo nito at nagpaalam ang suspek sa biktima na magpapahangin sa labas.

Subalit, lingid sa biktima na kinakausap ng nobyo ang apat na pinsan at pinapasok sa kuwarto nila.

Nagulat ang biktima sa pagpasok ng apat at dito ay puwersahan siyang halinhinang hinalay.

Kinabukasan ay nagsumbong ang ginang sa pulisya at isa-isang naaresto ang limang suspek na nakatakdang sampahan ng rape.

 

ADRIANO

BANGAD

BIKTIMA

BRGY

HABANG

JUNERY

MICHAE OLADO

VALENTINES DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with