^

Police Metro

Service crew pumalag sa rapist, inutas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 23-an­yos na dalaga matapos na ito ay saksakin ng hindi pa kilalang lalaki na tangkang manghalay dito sa loob ng kanilang bahay sa Sta. Mesa, Maynila kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Ara Villaruel, service crew ng KFC Restaurant at  residente ng  no. 3113 Reposo St., Sta. Mesa, Maynila.

Inilarawan ng testigo ang suspek na nasa 5’2” hanggang 5’4” ang taas, medium built, nasa 26-30 ang edad, nakasuot ng t-shirt na puti at checkered shortpants.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bago nangyari ang krimen dakong alas-3:40 ng mada­ling araw ay narinig ng kapatid ng biktima na si Erica, 20 na natutulog sa itaas ng inuupahang apartment ang komosyon sa ibaba kung saan natutulog sa sofa ang biktima.

Kaya’t dali-dali itong bumaba at nakita ang suspek nagmamada­ling tumakas habang ang kapatid ay  duguang nakahandusay sa lapag at naghahabol ng hininga.

Tumawag ito sa pulisya at rumesponde ang Mobile no. 301 ng MPD-Station 8 na nagsugod sa biktima sa Our Lady of Lourdes Hospital.

Bandang alas-4:19 ng madaling araw nang malagutan ng hininga ang biktima habang nilalapatan ng lunas.

Lumalabas sa imbes­tigasyon, na sinira ng suspek ang jalousie ng bintana at doon idinaan ang kamay para madukot ang lock sa door knob.

 Malaki ang hinala na tulog na tulog ang biktima at nagulat ito nang daganan ng suspek para siya ay gahasain.

Nanlaban ito na posib­leng ikinagalit ng suspek kung kaya’t sinaksak ng tatlong beses sa katawan na ang isa ay tumama sa ari nito.

 

vuukle comment

ARA VILLARUEL

BANDANG

BATAY

BIKTIMA

INILARAWAN

KAYA

MAYNILA

OUR LADY OF LOURDES HOSPITAL

REPOSO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with