^

Police Metro

29 sa ‘Fallen 44’ pinasabog ang bungo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Base sa resulta ng otopsiya ng PNP-Crime Laboratory na 29 sa nasawing 44 Special Action Force (SAF) commandos ay pinasabog ang bungo sa madugong bakbakan sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong Enero 25 sa Mamasapano, Maguin­danao.

Kaya’t ito ang dahilan kung bakit naging emosyonal si PNP Officer in Charge P/Deputy Director General Leonardo Espina nang mabatid na ‘overkill’ ang pagkakapatay sa karamihan na mga nasawing SAF commandos.

Batay din sa otopsiya na bagaman naka-bullet proof ang mga SAF commandos ay tinanggal ito ng MILF rebels saka pinagbabaril sa dibdib, leeg at mukha kaya karamihan ay halos hindi na makilala.

Ilan pa sa mga nasawi ay nilapastangan pa ang mga bangkay matapos na pagtatagain ng itak ng mga rebeldeng MILF.

Ilan sa mga brutal na pinaslang ay sina PO2 Joseph Sagonoy, na nagtamo lamang ng tama ng bala sa hita pero brutal na pinaslang at siyang nasa kumakalat na ‘viral video’ sa facebook na nagtamo ng dalawang malulubhang tama ng bala sa ulo.

Kabilang din dito ay sina Inspector Ryan Pabalinas, radio man ng nasabing mission na pinagbabaril sa ulo, leeg at katawan; Ins­pector Rennie Tayrus, Sub-leader ng 84th SAF seaborn company na nagtamo naman ng mga tama ng bala sa ulo, likod at ibabang bahagi ng katawan.

Si Sr. Inspector Gednat Tabdi, ang sinasabing pumutol ng hintuturo ng napatay na si Jemaah Islamiyah (JI) terrorist Zulkipli bin Hir alyas Marwan para sa sampling ng DNA test ay pinasabog rin ang bungo at maging ang iba pa ng mga itong kasamahan ay brutal ring pinaslang.

vuukle comment

CHARGE P

CRIME LABORATORY

DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEONARDO ESPINA

ILAN

INSPECTOR RYAN PABALINAS

JEMAAH ISLAMIYAH

JOSEPH SAGONOY

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with