^

Police Metro

Magpinsan na ex-mayor timbog sa drug raid

Joy Cantos at Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa mismong Araw ng mga Puso natiklo ang isang magpinsan na dating mga mayor nang masamsam sa mga ito ang bulto ng mga kemikal sa paggawa ng shabu sa magkakahiwalay na pagsalakay sa dalawang shabu laboratory sa Masbate City kahapon ng umaga.

Ang mga nasakoteng suspek ay kinilalang sina  Lester Abapo alyas Cherry Boy, dating alkalde sa San Fernando at kasalukuyang incumbent Chairman ng Brgy. Magallanes, Masbate City at Bernadito Abapo, da­ting alkalde ng Milagros, Masbate.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang salakayin ng PNP-Anti-Illegal Drugs Special Ope­rations Task Force (PNP-AIDSOTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang laboratory ng shabu sa dalawang compound sa lungsod.

Ayon kay Chief Ins­pector Roque Merdeguia, spokesman ng PNP-AIDSOTF na ang sinalakay ng laboratoryo ng shabu ay ipinatayo umano ng 2 suspek, Chinese drug lord na tinukoy na si Ponga Lee alyas Co, at iba pang mga kasabwat sa sindikato ng droga sa Bicol Region.

Ang unang shabu labo­ratory ay matatagpuan sa Sitio Cagba, Brgy. Tugbo ng lungsod na pinanga­ngasiwaan ni Bernadito at ang pangalawa ay nasa Brgy. Nursery ng nasabi ring siyudad na pinamamahalaan ni Cherry Boy.

Nakumpiska ang bulto-bultong kemikal sa paggawa ng shabu, mga kagamitan sa laboratoryo at mga armas.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang anti-dangerous drugs act ang mga da­ting lokal na opisyal.

vuukle comment

BERNADITO ABAPO

BICOL REGION

BRGY

CHERRY BOY

CHIEF INS

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS SPECIAL OPE

MASBATE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with