^

Police Metro

Pag-itsapuwera kina Roxas at Espina sablay- Lacson

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nilinaw ni dating Senador Panfilo Lacson na hindi totoong walang chain of command sa Philippine National Police at nilabag ito nina Pangulong Aquino at dating Chief PNP Alan Purisima nang ietsapuwera sina Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at PNP OIC Deputy Director General Leonardo Espina sa pulong kaugnay sa ope­rasyon sa Mamasapano, Maguindanao.

Ani Lacson, kahit sibil­yan ang karakter ng PNP ay mayroon itong chain of command na nalabag nang inilihim nina Aquino, Purisima at sinibak na PNP-Special Action Force (SAF) chief Director Getulio Napeñas kina Roxas at Espina ang operasyon sa Mamasapano nitong Enero 25.

Bago pumasok sa politika, naging Chief PNP si Lacson kaya nilinaw niya na sa ilalim ng chain of command ay may respeto hindi lamang nagmumula sa “bottom to top” kundi dapat sa “top to bottom.”

“Ang ibig sabihin nu’n kung ikaw ay commander in chief o Chief PNP, dapat na obserbahan at respetuhin mo rin ‘yung chain of command,” diin ni Lacson.

Magugunita na sa mee­ting sa Malacañang noong January 9 ay sina Aquino, Purisima at Napeñas lang ang nag-meeting at nagkaroon ng disrespect sa chain of command dahil kahit naroon si Gen. Purisima ay kailangang naroon din si Gen. Espina.”

 “Wala namang masama sa pagkonsulta kay Purisima pero ang masama ay ang pag-etsapuwera kina Roxas at Espina na posibleng pinag-ugatan ng problema sa koordinasyon sa inilunsad na operasyon sa isang high-value target na si Marwan,” pagwawakas ni Lacson.

ALAN PURISIMA

ANI LACSON

AQUINO

DIRECTOR GENERAL LEONARDO ESPINA

ESPINA

LACSON

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with