^

Police Metro

Tserman dinakip sa hindi lisensiyadong baril

Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga otoridad ang isang barangay chairman matapos na mahulihan ng hindi lisensiyadong baril nang salakayin ang kanyang bahay sa Sitio Culaprit, Brgy. Harrison, Garchitorena, Camarines Sur kamakalawa.

Ang inaresto ay kinila­lang si  Barangay Harrison Chairman Augusto Beriso, 49, may-asawa.

Nabatid na dakong alas-9:35 ng umaga ay sina­lakay ang bahay ni Beriso batay sa inisyung search warrant ni Judge Pedro M. Redoña ng RTC Branch 63 – Calabanga, Camarines Sur at nakum­piska ang isang shotgun na may trademark na Remington model 1148 at isang bala.

Inaresto rin dakong alas-11:30 ng  umaga ang suspek na si Leonidez Huit, 39 anyos, may-asawa ng Sitio Pangasinan ng nasabing ding barangay matapos masamsam ang isang Cal. 45 (Norinco CN M1911A1), isang magazine na may limang bala na walang kaukulang dokumento.

 

BARANGAY HARRISON CHAIRMAN AUGUSTO BERISO

BERISO

CAMARINES SUR

INARESTO

JUDGE PEDRO M

LEONIDEZ HUIT

SITIO CULAPRIT

SITIO PANGASINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with