^

Police Metro

Abu patay, MILF fighter sugatan sa bakbakan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang mi­yembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) habang isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) fighter ang sugatan nang magbakbakan sa Barangay Pamatsaken, Sumisip, Basilan kamakalawa.

Sa ulat ni 104th Infantry Brigade civil-mi­litary operations officer 1st Lt. Sally Magno na ang bakbakan ay nangyari ganap na alas-10:00 ng umaga nang makasagupa ng MILF contingents sa lugar ang tinatayang nasa 50 bandido mula sa grupo ng ASG leaders Radzmil Janatul alyas “Khubayb,”Juhaibel Almasirul alyas “Abu Kik,” at Pasil Bayali.

Agad na rumesponde ang mga tropa at armored units mula sa 64th Infantry Battalion na pinangungunahan ni Lt. Col. Raymund Recaido para tumulong sa mga MILF fighters.

Ang nasabing mga military units ay sinama­han ng miyembro ng MILF at ng Barangay Central chair na si Marjim M. Barillo.

Nang matunugan ang pagdating mga tropa, umat­ras ang mga bandidong ASG patungo sa direksyon ng Barangay Baiwas, Su­misip.

Nagsagawa nang pagtugis ang mga militar  at pu­wersa ng MILF laban sa ASG na nagresulta sa pagkamatay ng isang bandido.

Nagawang makubkob ng mga tumutugis na mga sundalo at MILF ang kampo ng ASG sa Barangay Pamatsaken.

vuukle comment

ABU KIK

ABU SAYYAF GROUP

BARANGAY BAIWAS

BARANGAY CENTRAL

BARANGAY PAMATSAKEN

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

JUHAIBEL ALMASIRUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with