^

Police Metro

Kotse nadaganan ng bus sa EDSA

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nayupi na parang lata ang isang bagong kotse matapos na ito ay madaganan ng isang pampaherong bus nang magkarambola ang apat na sasakyan kahapon ng umaga sa kahabaan ng EDSA-Muñoz, Quezon City.

Masuwerteng nakalabas agad ang driver ng Toyota Vios na si Marcelino Umalin, 44 ng no. 1 Bluebird St., Saint Francis Village, Meycauayan, Bulacan na nagtamo lamang ng galos.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga sa northbound lane ng EDSA kanto ng Corregidor St., Brgy. Ramon Magsaysay sa lungsod ay kapwa binabaybay ng Dela Rosa Transit bus (TYM-449) na minamaneho ni Edgardo Lelis, 35; pampasaherong jeep (TVL-602) na minamaneho ni Marlon Anol; Ziamen Kinglong Bus (TYU-602) na minamaneho ni Jerry Baylon at ang Toyota Vios.

Biglang pumreno ang nasa unahan bus kaya’t sumalpok ang Toyota Vios at dahil sa mabilis din umano ang takbo ng Dela Rosa Transit ay bumangga at sumampa ito sa likuran ng Toyota Vios na  sumagi pa sa pampasaherong jeep.

Halos isang oras na naipit ang driver ng kot­se bago nahugot at sa kabila ng matinding pagkayupi ng kotse, kaun­ting sugat lamang ang tinamo ng driver dahil sa airbag at may malay ito nang ilabas at isakay sa ambulansya.

vuukle comment

BLUEBIRD ST.

CORREGIDOR ST.

DELA ROSA TRANSIT

EDGARDO LELIS

JERRY BAYLON

MARCELINO UMALIN

MARLON ANOL

QUEZON CITY

TOYOTA VIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with