^

Police Metro

Naghuramentado utas sa pulis

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang lalaki na naghuramentado na kung saan ay tatlong tao ang tinaga nito ang napatay ng isang rumes­pondeng pulis kamakalawa sa Caloocan City.

Ang suspek na nasawi habang isinusugod sa Caloocan City Medical Center dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Jesus Aquino, alyas “Jojo”, 39-anyos, ng no. 115 Libis Talisay Dulo, Brgy. 12, ng lungsod.

Ang mga nasugatan mula sa taga ng suspek ay kinilalang sina Leslie Mae Aquino, 20, anak ng suspek; Elmarch Malihan, 21; at Joshua Dapiton, 20, pawang mga residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga nang unang magwala si Aquino na armado ng 24 pulgadang itak at unang tinaga si Dapiton na tinamaan sa balakang.

Ang sinunod naman na tinaga dakong alas-2:20 ng hapon ng suspek ang kanyang anak na si Leslie Mae sa ulo, likod at katawan habang tinaga rin ang live-in partner na si Malihan sa ulo at katawan sa tapat ng kanilang bahay.

Humingi ng saklolo ang mga residente sa pulisya at rumesponde ang mga tauhan ng Special Reaction Unit (SRU) na ginagalugad nila ang lugar nang biglang sumulpot sa kanyang harapan si Aquino na armado ng itak at tangka na atakihin sila kaya agad na pinaputukan sanhi ng kamatayan ng suspek.

vuukle comment

AQUINO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MEDICAL CENTER

ELMARCH MALIHAN

JESUS AQUINO

JOSHUA DAPITON

LESLIE MAE

LESLIE MAE AQUINO

LIBIS TALISAY DULO

SPECIAL REACTION UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with