^

Police Metro

Paslit todas sa sumabog na bote ng alak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang 4-anyos na si China Cumada nang aksidenteng sumabog ang isang bote ng alak na may lamang chlorine naganap kamakalawa sa Brgy. Managok, Malaybalay City, Bukidnon.

Ayon kay Inspector Jiselle Longakit, Spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 10, bandang alas-9:00 ng umaga ay kasalukuyang nagsasampay ng damit ang ina ng bata na si Jenilyn Comad, 42, nang makarinig ito ng malakas na pagsabog mula sa loob ng kanilang bahay.

Mabilis na pumasok ang ginang at nakita ang duguang anak na nagtamo ng malalim na sugat sa leeg habang nasa tabi naman nito ang basag na bote ng alak na pinag­lagyan ng chlorine na may halong mainit na tubig.

vuukle comment

AYON

BRGY

BUKIDNON

CHINA CUMADA

INSPECTOR JISELLE LONGAKIT

JENILYN COMAD

MABILIS

MALAYBALAY CITY

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with