^

Police Metro

Ginang nasawi sa explosion

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 25-anyos na misis  ang nagutay ang katawan nang masabugan ng bomba habang sugatan naman ang pamangkin nito sa Barangay Limbocandis, Sumisip, Basilan kahapon ng umaga.

Dead on the spot sa insidente ang biktimang si Mannah Jallama, residente sa lugar habang sugatan naman si Sophia Abduhu, 16 anyos.

Sa  ulat ng Basilan Police, naitala ang pagsabog sa Sitio Bato Piat, Brgy. Limbocandis ng bayang ito dakong alas 8:30 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon nagtungo ang biktima sa pastulan ng kanilang baka nang biglang sumabog ang bomba  kaya nasapul ang katawan ng biktima.

Samantalang may teorya naman ang mga awtoridad na ang sumabog na bomba ay pag-aari ng mga bandidong Abu Sayyaf Group  na posibleng naiwan ng mga ito sa lugar.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

AYON

BARANGAY LIMBOCANDIS

BASILAN

BASILAN POLICE

BRGY

ISANG

MANNAH JALLAMA

SITIO BATO PIAT

SOPHIA ABDUHU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with