^

Police Metro

6 Abu napatay sa bakbakan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng  tropang gobyerno ang may 6 na miyembro ng Abu Sayyaf Group nang makubkob ang apat na kampo ng mga ito matapos ang dalawang araw na bakbakan sa lalawigan ng Basilan.

Sa ulat ni Lt. Col. Harold Cabunoc, Chief ng AFP Public Affairs Office, dakong ala-1:15 ng hapon kahapon nang masabugan ng Improvised Explosive Device (IED) ng mga Abu Sayyaf Group ang Armored Personnel Carrier (APC) ng tropa ng militar sa Brgy. Baiwas, Sumisip.

Wala namang nasugatan sa mga sundalo, pero nagtamo ng pinsala ang naturang tangke at sa  sagupaan ay nasa anim na bandido ang napaslang habang anim pa ang nasugatan.

Nabatid na target ng operasyon ng military ang grupo ng mga Sub-leader ng Abu Sayyaf na sina Radzmil Jannatul at Jahaivel Alamsirul na responsable sa ambush slay kay 1st Lt. Jun Corpuz, miyembro ng Philippine Military Academy Class 2014 at lima pang mga sundalo sa Sumisip, Basilan noong Disyembre ng nakalipas na taon.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ARMORED PERSONNEL CARRIER

BASILAN

HAROLD CABUNOC

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

JAHAIVEL ALAMSIRUL

JUN CORPUZ

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY CLASS

PUBLIC AFFAIRS OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with