^

Police Metro

Apat na tulak tiklo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) Anti-Illegal Drug- Special Operations Task Group ang apat na tulak ng iligal na droga sa magkahiwalay na operasyon sa Caloocan City at Maynila.

Sa ulat ng DAID-SOTG, kinilala ang mga nadakip na sina Jalani Macaorao, 22, may-asawa; at Saripoden Dipatuan, 31, kapwa residente ng Brgy.  648 C. Palanca Street, San Miguel, Quiapo, Maynila, habang nakatakas naman ang ikatlong target na si alyas “Buchoy”.

Natuloy ang “buy bust operation” dakong alas-5:45 kamakalawa ng hapon sa G. Tolentino street, Legarda, Maynila at nasakote ang mga nasabing suspek habang nakapulas ang ikatlo nilang kasama.  Nakuha sa mga ito  ang 10 pakete na nag­lalaman ng hinihinalang shabu na may halagang P50,000.

Dakong alas-6 kamakalawa ng gabi nang madakip naman ng mga tauhan ng Caloocan Police Station Anti Illegal Drugs unit ang mga hinihinalang tulak na sina Jaime De Ocampo, 43, at Allan Trinidad, kapwa ng Phase 7 Block 22 Bagong Silang, Caloocan, kung saan nakuha sa mga ito ang isang pakete ng umano’y shabu.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Danilo Garcia)

ALLAN TRINIDAD

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

DANILO GARCIA

DRUGS ACT

JAIME DE OCAMPO

JALANI MACAORAO

MAYNILA

NORTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with