^

Police Metro

Ayaw magbayad ng utang itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binistay ng bala ang isang mister matapos na mabigo itong magbayad ng utang kaya buhay na lang ang kinuha ng taong pinagkakautangan niya kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Zamboanga.

Ang biktimang si Wilson Medallo, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Dalan, Talon  Talon, Zamboanga City ay idineklarang dead-on-arrival dahil sa tinamong tama ng bala sa kanyang katawan.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 9 Spokesman Chief Inspector Dahlan Samuddin, naganap ang insidente dakong alas-5  ng mada­ling araw, di kalayuan sa bahay ng biktima, kung saan maaga umanong umalis ng bahay ang biktima para bumili ng pandesal ng makasalubong ang suspek na nakilala lang sa alyas Bobby Al-Arasali.

Kinumpronta umano ng suspek ang biktima hinggil sa pagkakautang at pilit na naniningil subalit walang maibayad ang biktima.

Sa puntong ito, agad na bumunot ng baril ang suspek at walang sabi-sabing binistay ng bala ang biktima. Nakuha sa lugar ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal.45 habang tinutugis naman ang suspek.

 

vuukle comment

AYON

BINISTAY

BOBBY AL-ARASALI

BRGY

KINUMPRONTA

POLICE REGIONAL OFFICE

SPOKESMAN CHIEF INSPECTOR DAHLAN SAMUDDIN

WILSON MEDALLO

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with