^

Police Metro

Adios Pope Francis

Joy Cantos, Ludy Bermudo at Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - M atapos ang ma­kasaysayang pagbisita sa Pilipinas, bumiyahe na si Pope Francis pabalik sa Roma kahapon.

Alas-10:13 Lunes ng umaga nang lumipad ang special flight PR-8010 ng Philippine Airlines para ihatid si Pope Francis.Alinsunod sa tradisyon ng Simbahan, ang flag carrier ng pinanggalingang bansa ang magdadala sa Pope sa susunod nitong destinasyon.

Pero bago umalis, muling nag-open motorcade si Pope Francis mula sa Apostolic Nunciature patungong Villamor Airbase dakong alas-9:00 ng umaga. 

Tulad sa mga nakaraang araw, libu-libo ang dumagsa sa ruta ng convoy para bumati, magpasalamat at magpaalam sa Santo Papa, at naging magiliw pa rin si Pope Francis sa pagbati at pasasalamat sa mga nag-abang sa kanya.

Pagdating naman sa Villamor, binigyan ito ng simpleng send-off ceremony na pina­ngunahan ni Pangulong Noynoy Aquino, mga miyembro ng gabinete at ng Catholic Church leaders kabilang si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
May mga bata rin mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang sumayaw at umawit bago magpaalam sa Santo Papa.

Magugunitang Enero 15, Huwebes, nang dumating ang Santo Papa sa Pilipinas. Kabilang sa hindi malilimutan ang tanong ng isang batang babae kay Pope Francis sa Encounter with the Youth sa University of Santo Tomas (UST) at ang tugon dito ng Santo Papa.

Maituturing namang highlight ng kanyang pagbisita ang pagdalaw niya sa mga survivor ng Bagyong Yolanda sa Leyte nitong Sabado, Enero 17 bagama’t napa­ikli dahil sa masamang panahon, at ang misa na dinaluhan ng tinatayang 6 milyong deboto nitong Linggo, Enero 18, na itinuturing ngayong pinakamalaking Papal event sa kasaysayan ng Simbahan Katoliko.

Magkahalong emos­yon ng saya at lungkot para sa milyong deboto ng Simbahang Katoliko sa ikinokonsidera ng mga itong ‘lifetime memories’ na mananatili sa kanilang puso sa 5 day papal visit ni Pope Francis  matapos itong umalis sa bansa.

Nagbitiw naman ng  salita si Pope Francis kay Pangulong Aquino ng “I am very, very, very happy” bago umalis kahapon.

Ayon kay Pangulong Aquino, tuwang-tuwa ang Santo Papa sa mainit na pagtanggap ng mga Filipino sa kanyang 5-araw na pagbisita sa bansa.

Nag-trending pa sa Twitter ang #IngatPope at #We love you Pope Francis.

Maging ang mga facebooks at instagram users ay hindi nagpahuli sa pagpo-poste ng mga lara­wan ni Pope Francis lalo na sa ‘Eucharistic Mass’.

APOSTOLIC NUNCIATURE

BAGYONG YOLANDA

CATHOLIC CHURCH

FRANCIS

PANGULONG AQUINO

POPE

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with