^

Police Metro

LGUs handa sa bagyo sa kabila ng Papal visit

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Interior at Local Government Secretary Mar Roxas sa publiko na handa ang  local government units (LGUs) sa ilang bahagi ng  Luzon, Visayas at Mindanao sa pagtama ng bagyong Amang sa kabila ng mga pagdiriwang  kaugnay ng pagbisita ni Pope Francis sa bansa.

“Inabisuhan na namin ang mga alkalde na maging alerto at sundin ang mga protocol sa ganitong uri ng kalamidad. Dapat ding umaksiyon ang mga ito bilang unang tutugon o first responders sa mga kalamidad dahil sila ang makapagtatasa kung kinakailangan ang preemptive evacuations sa mapanganib na mga lugar tulad ng gilid ng bundok,  tabing ilog at coastal areas,” wika ni Roxas.

Nilinaw ng kalihim na may listahan sila ng mga dapat ipatupad o preparasyon bago o matapos tumama ang isang bagyo at ito ang dapat sundin ng LGUs para sa kaligtasan ng mga mamamayan.

Nakipag-ugnayan din ang DILG sa National Disaster and Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) para masundan ang landas ng bagyo at maabisuhan ang LGUs.

DAPAT

INABISUHAN

LOCAL GOVERNMENT SECRETARY MAR ROXAS

LUZON

MINDANAO

NAKIPAG

NATIONAL DISASTER AND RISK REDUCTION MANAGEMENT COUNCIL

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with