^

Police Metro

Obrero inutas ng tatlong kasama

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang 48-anyos na obrero nang pagtulungang pagsasaksakin ng tatlong kasamahan sa trabaho na  nag-iinuman sa loob ng kanilang barracks sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Ang nasawi ay kinilalang si Jorge Cabangon, may-asawa, residente ng no. 11 Ibarra Street, Acacia, ng naturang lungsod.

Isa sa tatlong suspek na nadakip ay kinilalang si Arnold Salente, 47, balo, ng Brgy. Pulang Lupa, Valenzuela City; habang pinaghahanap pa ang mga kasama na kinilalang sina Nelvin Puda alyas “Dodong Taba” at Giovani De Dios.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon ay nag-iinuman ang mga suspek sa loob ng kanilang barracks nang maibulalas ng suspek na si De Dios ang sama ng loob nito sa biktima na siya namang pagsulpot ng biktima na narinig ang sinabi ni De Dios na naging dahilan ng mainitang pagtatalo.

Pinagtulungan ng tatlong suspek ang biktima na gulpihin at pagsasaksakin bago mabilis na nagsitakas.  

Isang follow-up operation ang isinagawa ng pulisya at naaresto si Salente at nakuha ang isang balisong at screw driver na hinihinalang ginamit sa pagpatay sa biktima.

vuukle comment

ARNOLD SALENTE

DE DIOS

DODONG TABA

GIOVANI DE DIOS

IBARRA STREET

JORGE CABANGON

MALABON CITY

NELVIN PUDA

PULANG LUPA

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with