^

Police Metro

Tiangco kinutya si Cayetano sa isyu ng droga

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kinondena ni Uni­ted Nationalist Alliance (UNA) interim president Toby Tiangco ang pagkakaungkat ni Senador Alan Peter Cayetano sa usapin ng mga iniimbentong kuwento at mga halusinasyong bunsod ng droga.

Ipinaalala ni Tiangco sa senador kung paano inilarawan ni Cayetano si Pangulong Aquino bilang ‘topak’ sa kampanya sa halalan noong 2010.  Ikinasiya naman ni Tiangco na inungkat ng mga ‘bata’ ng senador ang isyu ng pag-iimbento ng kuwento dahil sa mga kuwestyon kung sino ang nagpopondo sa TV advertisement sa Taguig ni Cayetano.

“Mabuti at binanggit ng tagapagsalita ni Ca­yetano na produkto lang ng hallucination ang multi-million peso Taguig TV ads. Ipinakikita lang na naman niya ang hilig mag-imbento at mag-hallucinate,” sabi ni Tiangco.

“Nakalimutan na ba niya na si Cayetano ang nagsabing may topak si PNoy? Magkasama si Ca­yetano at GMA noon pang 2004 at kung anu-ano ang inimbento nilang kwento laban kay FPJ. Ngayon, sinasabi ng taong ito na produkto ng hallucination ang isyu sa pondo ng Taguig TV ad,” dagdag ni Tiangco.

Ikinagulat din ni Tiangco na biglang natameme  ang senador sa pagharap sa media para sagutin ang mga tanong kung sino ang nagba­yad para sa production at placement ng kanyang 15/30-seconder TV spots nito sa primetime, kasabay ang paghamon na sabihin nito sa publiko ang detalye ng limang buwang tv ads.

Nauna rito, ibinunyag ni Tiangco na ang primetime television advertisements ni Ca­yetano ay nagkakahalaga ng P100,000 hanggang P150,000 para sa isang 15-second commercial.  Tinayang umabot sa P500 milyon ang naturang TV ad na tumagal nang limang buwan.

Nitong Martes, hinamon ni Tiangco ang mga alalay ni Cayetano na sumailalim sa drug test.

CAYETANO

IKINAGULAT

IKINASIYA

NATIONALIST ALLIANCE

NITONG MARTES

PANGULONG AQUINO

SENADOR ALAN PETER CAYETANO

TAGUIG

TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with