^

Police Metro

2 taxi driver na holdaper, tiklo

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang taxi driver ang inaresto ng pulisya dahil sa ginawang pang­hoholdap sa kanilang pa­sahero kahapon ng mada­ling araw sa Makati City.

Kinilala ang mga suspek na sina Ponciano Libunao, 32 at Ron Jovy Turla, 21, kapwa residente ng Caloocan City.

Ang dalawang suspek ay inaresto batay sa reklamo ng biktima na kinilalang si Elaine Quiambao, 32, ng Imus City, Cavite.

Batay sa ulat, ala-1:30 ng madaling araw nang maaresto ang da­lawang suspek habang sakay sila ng taxi sa north bound lane sa  kanto ng ng Osmeña Highway at Malugay St., Barangay San Antonio, Makati City, matapos na magreklamo ang biktima.

Nabatid na ang dalawang suspek ay matagal nang pinaghahanap ng pulisya dahil sa mga natatanggap na reklamo sa panghoholdap ng mga ito sa kanilang pasahero.

vuukle comment

BARANGAY SAN ANTONIO

CALOOCAN CITY

ELAINE QUIAMBAO

IMUS CITY

MAKATI CITY

MALUGAY ST.

PONCIANO LIBUNAO

RON JOVY TURLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with