^

Police Metro

Hitman, kasama timbog sa text message

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakapagligtas ng buhay ang inilatag na checkpoint ng mga tauhan ng Delpan Police Community Precinct (PCP)  ng Manila Police District-Station 2 nang madiskubre nila sa  text messages ng sinitang motorista na isa pala itong ‘hitman’ at  may balak na itumba kahapon ng umaga.

Ang suspek na itinuturing na hitman ay kinilalang si  Rafael  Nepa, 33-anyos, jobless, residente ng Purok 3, Isla Puting Bato, Tondo.

Nadakip din sa follow-up operation ang kasabwat nitong si Joven Villanueva, 35, ng Purok 2, Isla Puting Bato, Tondo.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga nang  maglatag ng checkpoint ang mga pulis sa kanto ng  Zaragosa at  Kagitingan Sts., Tondo.

Nakaagaw ng pansin sa mga pulis ang pabalik-balik na  Fino Yamaha 8496 QW na minamaneho ni Nepa kaya’t sinita ito at nirekisa ang katawan at dito ay nadiskubre na may  itinatagong baril  sa beywang.

Nang usisain ang hawak na cell phone ay  nabasa ng mga pulis ang mensahe hinggil sa itutumbang si alyas “Bobot” na vice president ng samahan ng mga porter.

Natuklasang positibong may itutumba na nanga­ngalang Rodolfo Abierra, alyas “Bobot”, 62 anyos kaya ito inimbitahan sa himpilan ng pulisya.

BOBOT

DELPAN POLICE COMMUNITY PRECINCT

FINO YAMAHA

ISLA PUTING BATO

JOVEN VILLANUEVA

KAGITINGAN STS

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

NEPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with