^

Police Metro

Indian national lasog sa tanker

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nalasog ang katawan ng isang ginang matapos magulungan ng tanker na bumangga sa kanilang motorsiklo kahapon sa Caloocan City.

Ang nasawing ginang ay kinilalang si Kulwinder Kaur, 42, Indian national, residente ng #163 Silvino Rivera St., Barangay 163 ng nasabing lungsod.

Habang nasugatan ang anak nitong si Gurminder Ubhoo,18, na nagtamo naman ng mga sugat at galos sa paa at katawan.

Nakakulong naman ang suspek na si Solon Principe, 49, ng Block 9, Lot 11, Phase 1, Pabahay 2000, Muzon, San Jose del Monte, Bulacan.

Sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga ay minamaneho ni Gurminder ang motorsiklo angkas ang ina nang mag-overtake ito sa tanker (RGD-899) sa kahabaan ng Tandang Sora Extension, Barangay 163.

Dito ay nawalan ng kontrol sa manibela si Gurminder dahilan upang tumilapon ang ina at tiyempong parating ang tanker at nagulungan ang katawan ng ginang.

vuukle comment

BULACAN

CALOOCAN CITY

DITO

GURMINDER

GURMINDER UBHOO

KULWINDER KAUR

SAN JOSE

SILVINO RIVERA ST.

SOLON PRINCIPE

TANDANG SORA EXTENSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with