^

Police Metro

Pagbomba sa palengke naagapan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naagapan ng mga otoridad ang posibleng pagdanak ng dugo matapos na marekober ang itinanim na bomba kahapon sa palengke ng Brgy. Poblacion, Pikit, North Cotabato.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:00 ng umaga nang madiskubre ng ilang residente ang nakatanim na bomba sa kahabaan ng Datu Piang St., Brgy. Pob­lacion ng bayang ito.

Mabilis na nagresponde ang mga pulisya bitbit ang K9 dogs  at agad ikinordon ang lugar at nang magpositibo na bomba ang itinanim dito ng mga pinaghihinalaang lokal na teroristang grupo.

Mabilis namang nai-detonate ng mga Explosives and Ordinance team ng pulisya bago pa man ito makapinsala.

Nabatid na ang Improvised Explosive Device (IED) ay gawa sa rifle gre­nade na ginamitan ng cell phone bilang triggering device.

Hinala ng mga otoridad na kagagawan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), ang spoilers sa isinusulong na peace talks sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng pamahalaan ang pagtanim ng bomba.

Kung maaalala noong bisperas ng pagsalubong ng Bagong Taon ay may naganap na pagsabog sa palengke ng M’lang, North Cotabato na ikinasawi ng dalawang katao at pagkasugat ng 36 iba pa.

vuukle comment

BAGONG TAON

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BRGY

DATU PIANG ST.

EXPLOSIVES AND ORDINANCE

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

MABILIS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NORTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with