^

Police Metro

Reporter pinabulagta

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang radio at tabloid reporter nang isang di kilalang lalaki sakay ng motorsiklo kahapon ng umaga sa Ba­langa City, Bataan.

Sa ulat ng Balanga City Police, kinilala ang nasawing biktima na si Nerlita Ledesma, 48, correspondent ng Abante tabloid at reporter ng DZXL na nakabase sa Bataan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:05 ng umaga sa Sitio San Rafael, Tagnai, Barangay Tuyo, Balanga City habang ito’y naghihintay ng masasakyan papasok sa kanyang trabaho.

Si Ledesma ay nagtamo ng apat na tama ng cal. 45 pistol sa dibdib  na siya nitong dagliang ikinasawi.

Ang suspek  na nakasuot ng sunglass, bonnet, jacket ay lulan ng kulay itim at puting motorsiklo ay mabilis na tumakas matapos puntiryahin ng pamamaril ang biktima na duguang bumulagta sa insidente.

Kinondena naman ng National Press Club (NPC) ang insidente na nataon habang naghahanda na ang mga itong makipagpulong kay Department of Justice Secretary Leila de Lima upang  maresolba ang mga nakabimbing kaso at ma­tuldukan na ang media killing sa bansa kung saan si Ledesma ay ika-172  journalist na pinatay sa bansa.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng PM ang naturang pananambang ay naganap na rin dalawang taon na ang nakalilipas.

Samantala ayon sa inisyal na imbestigasyon away sa lupa ang isa sa tinitingnang motibo sa pagpatay. Si Ledesma ay presidente rin sa ho­meowner’s association sa kanilang lugar at ang kaso hinggil sa lupa na kinakaharap nito ay nakatakda ng lumabas ang desisyon.

vuukle comment

AYON

BALANGA CITY

BALANGA CITY POLICE

BARANGAY TUYO

DEPARTMENT OF JUSTICE SECRETARY LEILA

NATIONAL PRESS CLUB

NERLITA LEDESMA

SI LEDESMA

SITIO SAN RAFAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with