^

Police Metro

Misis ayaw makipa-sex, tinarakan ni mister

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

NORTH COTABATO, Philippines – Walang pasubaling sinaksak ng isang 35-anyos na mister ang kanyang misis nang tumangging magpasiping sa kanya sa Barangay Gang, bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Sultan Kudarat PNP ang suspek na si Mohadin Abdul habang sugatan naman ang misis nitong si Samra Abdul, 30, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Ayon sa pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi nang makarating sa kanilang bahay ang mag-asawa mula sa trabaho nang biglang magyaya si Mohadin sa kanyang misis na sumiping subalit tumanggi ito.

Bunsod nito ay mabilis na  uminit ang ulo ni Mohadin kaya sinaksak ang kanyang misis gamit ang bakal na tubong may haba ng 6 pulgada.

Sumaklolo ang mga kapitbahay at agad na naisugod sa Cotabato Regional and Medical Center ang biktima habang ang mister nito ay nasa kustodiya na ng Sultan Kudarat PNP.

vuukle comment

AYON

BARANGAY GANG

BUNSOD

COTABATO REGIONAL AND MEDICAL CENTER

KINILALA

MAGUINDANAO

MOHADIN

MOHADIN ABDUL

SAMRA ABDUL

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with