^

Police Metro

Kelot utas sa droga

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang  isang 25-anyos na lalaki nang pagbabarilin sa ulo at mukha ng hindi nakikilalang salarin sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa pulisya may-hawak ng kaso, nakilala ang biktima na si Jolan Rabanzo, helper ng Lot 3, Interior Masaya, ng nasabing barangay, habang blangko ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa harapan ng isang bahay na matatagpuan sa nasabing barangay, dakong alas-3:30 ng madaling araw.

Ayon sa testigong si Lino Capa, nasa loob siya ng kanilang bahay habang naghahanda papasok sa trabaho nang makarinig siya ng dalawang sunod na putok ng baril sa labas at nakita na lang na nakadapa ang biktima.

 Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang dalawang basyo ng kalibre 45, isang tingga nito, at dalawang plastic sachet na naglalaman ng shabu habang nagtamo ng isang tama ng bala sa likod ng ulo ang biktima.

 Hinala ng otoridad na posibleng may kinalaman sa droga ang nasabing pamamaril, dahil sa ebidensiyang nakuha mula rito na siya nilang iniimbestigahan.

vuukle comment

AYON

BARANGAY GULOD

HINALA

INTERIOR MASAYA

JOLAN RABANZO

LINO CAPA

NAREKOBER

NASAWI

QUEZON CITY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with