^

Police Metro

TODA prexy dedbol sa pasahero

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Binistay ng bala hanggang sa mamatay ang pangulo  ng Tricycle Ope­rators Driver’s Association  ng  isa sa kanyang mga pasahero  kahapon ng umaga sa  Tondo, Maynila.

Si Eugene Jacinto,  55, pangulo ng Asuncion Sucor Parola Tondo Tricycle Operators Driver’s Association (ASPTTODA) at residente  ng  Gate 7 Area A Parola Compound, Tondo, ay dead-on-the-spot matapos na pagbabarilin ng kalibre .45 ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section bandang alas-7:45 ng umaga kahapon nang maganap ang insidente sa Gate 1 ng Parola Compound sa Tondo.

Si Jacinto ay pumapa­sada umano nang may pumarang dalawang lalaki at nagpanggap na mga pasahero, hanggang sa pagbabarilin ito ng tatlong beses sa katawan.

Posibleng pagdispalko umano ng pondo  ng samahan ng mga tricycle driver ang motibo ng pagpatay sa biktima. Dahilan din ito kung bakit ang ilan umano sa mi­yembro nito ay ayaw na sa kanyang pamamalakad.

Napag-alaman pa sa mga awtoridad na dati na umanong naging pa­ngalawang pangulo ng sama­han at naging secretary din umano ang biktima, bago nahalal na presidente.

Patuloy naman ang imbestigasyon  kung ano pa ang maaaring ma­ging dahilan, kung bakit pinaslang si Jacinto.

vuukle comment

AREA A PAROLA COMPOUND

BINISTAY

DAHILAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PAROLA COMPOUND

SI EUGENE JACINTO

SI JACINTO

TRICYCLE OPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with