^

Police Metro

10 tinamaan ng ligaw na bala

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 10 katao ang tinamaan ng ligaw na bala kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Ito ang ipinahayag  ni Chief Supt. Wilben Mayor, Chief ng PNP Public Information Office na base sa monitoring at mga insidenteng nairereport sa PNP mula Disyembre 16 hanggang dakong alas-8:00 ng umaga nitong Di­syembre 31.

Kabilang naman sa naging biktima ng ligaw na bala ay isang buntis na ginang na kinilalang si Maricel Luna ng San Jose, Batangas; 7-anyos na batang lalaki na kinilalang si Isaac Gabriel Ruda  na nadaplisan ng bala sa ulo sa Lumban, Laguna noong Disyembre 28, 2014 na ipinutok ng jailguard na si Mario Cortez na agad naaresto.

Sa sampung insidente ng tinamaan ng ligaw na bala ay tatlo rito ay nairekord ng NCRPO, apat sa Police Regional Office (PRO) IVA, at tig-isa naman mula sa PROVI,  PROVII at PROVIII.

BAGONG TAON

CHIEF SUPT

DISYEMBRE

ISAAC GABRIEL RUDA

MARICEL LUNA

MARIO CORTEZ

POLICE REGIONAL OFFICE

PUBLIC INFORMATION OFFICE

SAN JOSE

WILBEN MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with