^

Police Metro

Pamilya, 6 todas sa sunog

Lordeth Bonilla at Ricky Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Anim na miyembro ng isang pamilya ang nasawi matapos na sila ay makulong sa  nasusunog nilang bahay kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

Sa inisyal na ulat na natanggap ni P/Sr. Supt. Adolfo Samala, hepe ng Las Piñas City Police, ang mga nasawi ay kinabibilangan ni  Dulce Tianzon at mga anak na sina Allick Bon; Aaron Archer;  Duncan Bryan at ina ni Dulce na si Alita at lola nilang si Segunda Hernandez, 80.

Nasugatan naman sina Bonifacio Tianzon Jr. at Ace Bon Tianzon.

Batay sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang magsimula ang sunog  sa bahay ng pamil­ya Tianzon na matatagpuan sa Nomad St., Airmen’s Village, Barangay Manuyo Dos ng naturang siyudad.

Sa inisyal na ulat ay biglang sumiklab ang apoy sa bahay ng pamilya Tianzon na sa mga oras na iyon ay nasa kasarapan ng tulog at nakulong ang mga ito.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya katuwang ang Bureau of Fire Protection kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Umabot sa unang alarma ang sunog at tanging bahay lamang ng pamilya Tianzon ang natupok at tinatayang nasa   P300,000 ang halaga ng mga ari-ariang  napinsala.??

Samantala, nasunugan din ng bahay ang 11 pamil­ya sa San Labrador Compound sa Himlayan Road, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Batay sa ulat,dakong alas-3:44 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Herminio Enfiesta, 54 na matatagpuan sa nasabing lugar.

Mabilis kumalat at nadamay ang mga katabing bahay na gawa lamang sa mga light materials.

Sa inisyal na imbestigasyon na naiwang kandila na nagsilbing ilaw ng bahay ni Enfiesta ang pinagmulan ng sunog.

AARON ARCHER

ACE BON TIANZON

ADOLFO SAMALA

ALLICK BON

BAHAY

LAS PI

TIANZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with