^

Police Metro

Slow internet muling tatalakayin

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa muling pagbabalik ng sesyon sa Enero ay tatalakayin ng Kamara ang imbestigasyon kaugnay sa mabagal na internet connection sa Pilipinas.

Ayon kay Las Piñas Rep. Mark Villar, kung ikukumpara sa ibang mga bansa sa Asya ang Pilipinas ang may slowest internet connection pero napakamahal ng bayad.

Ang Pilipinas ay may 2.1-3.6 megabytes per second na bilis ng internet habang ang mga kapitbahay na bansa tulad ng Laos ay may 4.0 Mbps, Indonesia 4.1 Mbps, Myanmar at Brunei 4.9 Mbps, Malaysia 5.5 Mbps at Cambodia 5.7 Mbps.

Ang ilang mga bansa sa Asya ay lagpas pa sa average MBPS na 12.4 katulad sa Thailand na may 17.7 internet speed kung saan sa halagang 799 baht o P1,100 a month ay mayroon ng 12Mbps connection o kaya sa Singapore na sa halagang 36.90 SG dollars o P1,312 a month ay mayroon ka ng 15Mbps.

Sa Pilipinas ay magbabayad ka ng P1,000 a month para sa internet service na aabot lamang sa 2Mbps hanggang P2,000 para sa 5Mbps na malayo sa halaga at internet speed ng mga nabanggit na bansa.

ANG PILIPINAS

ASYA

AYON

BRUNEI

ENERO

LAS PI

MARK VILLAR

PILIPINAS

SA PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with