^

Police Metro

73 katao biktima ng paputok

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umakyat na sa 73-katao ang naitalang nasugatan o nabiktima ng paputok simula noong Disyembre 21, ayon sa Department of Health.

Kalulunsad pa lamang ng DOH nitong nakaraaang Dis. 21 ang annual monitoring  sa mga napuputukan para sa Kapaskuhan at pagsalubong sa 2015.

Sa Firecrackers  Injury Registry ng DOH na may petsang Dis. 26, ang kabuuang 73 kaso  ay mas mababa kumpara sa kaparehong panahon ng 2014.

Sa tala, 73 kaso, nasa 64 dito ay mga lalaki na may edad mula 3 hanggang 68 at karamihan ay mga bata na hindi bababa sa 10 taong  gulang.

Ang 23 biktima mula sa 73 kaso ay naireport sa National Capital Region (NCR)  partikular sa Maynila na may naitalang 10 kaso.

Sa Pasig ay may 6 kaso, tig- 2 kaso naman sa Las Piñas City at Pasay City. Habang hindi naman nabanggit kung saang lugar sa NCR nagmula  ang tatlong iba pang naputukan.

Ang mga nasugatan ay mga “active users” o sila mismo ang gumamagit at nagsindi ng paputok.

Lumalabas na 59 sa  kaso ang nasabugan na hindi na kinailangan pang putulan ng parte ng kamay , 5 ang kinaila­ngang putulan,  9 kaso ang nagtamo ng eye injury.

Nangunguna pa rin ang “Piccolo” sa nagtala ng kaso habang ang iba ay “Luces”, “boga” ,” plapla”at “five-star”.

Hanggang Enero 5, 2015  mananatili ang pagsasailalim sa code white alert sa lahat ng DOH central office, regional offices at DOH-retained hospitals at piling mga pribadong health facilities.

DEPARTMENT OF HEALTH

HANGGANG ENERO

INJURY REGISTRY

KASO

LAS PI

NATIONAL CAPITAL REGION

PASAY CITY

SA FIRECRACKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with