^

Police Metro

Pulis-PGH itinumba

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa halip na masa­yang family reunion ay malungkot ang naging Pasko ng isang pamil­ya matapos na barilin at mapatay ang isang 40-anyos na miyembro ng University of the Philippines–Philippine General Hospital (UP-PGH)  Police ng hindi pa kilalang salarin habang nagla­lakad patungo sa Light Rail Transit (LRT) Pedro Gil Station, Taft Avenue, Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Felipe Delos Reyes, Jr. Escotillo, supervisor ng UP-PGH Police at residente ng no. 1292 Cityland Avenue, Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan.

Ang suspek na inilarawan ng mga testigo ay nakasuot ng bull cap, longsleeve na puti, nasa 5’4” ang taas at katamtaman ang pangangatawan.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga ay nag­lalakad ang biktima sa harap ng Plaza Pedro, Taft Avenue, malapit sa kanto  ng Pedro Gil St., Ermita para sumakay ng LRT nang barilin ng suspek sa ulo.

Matapos na mabaril ang biktima ay mabilis na nagtatakbo ang suspek na tangkang habulin ng mga nakakita, subalit dahil sa may dalang baril ay hindi na nila itinuloy ang paghabol.

Sa salaysay ng  mga kapatid at ina ng biktima na magsasagawa sana sila ng family reunion at pauwi na ito nang mangyari ang krimen.

 

vuukle comment

CITYLAND AVENUE

ERMITA

FELIPE DELOS REYES

JR. ESCOTILLO

LIGHT RAIL TRANSIT

PEDRO GIL ST.

PEDRO GIL STATION

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with