^

Police Metro

Ginang kumalas sa kabit, kinatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kamatayan ang na­ging kapalit ng isang ginang na kumalas sa pagiging kerida nang siya ay pagsasaksakin ng kinakasama kamakalawa sa  harapan ng isang ka­rinderya sa Central Barangay, Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Hindi na umabot ng buhay sa Zamboanga del Norte Medical Center ang biktimang si  Nelda Porlas, 40-anyos, nagtamo ng malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nadakip ang suspek na si Feliciano Pastor alyas Fell, 55, may-asawa at umano’y matagal nang kabit ng biktima.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, bago naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng umaga sa harapan ng Kanto Fiesta Carinderia sa kahabaan ng Lacaya St., panulukan ng Gen. Luna St., Barangay Central ng lungsod ay labis na dinamdam ng suspek ang ginawang pakikipaghiwalay sa kaniya ng biktima matapos nitong mapagtanto na walang patutu­nguhan ang kanilang bawal na relasyon.

Simula ng makipaghiwalay ang biktima sa suspek ay iniwasan at pinagtaguan na nito hanggang sa muling magkita.

Tumanggi na ang nasabing babae na makipagbalikan sa suspek bunsod upang bunutin ang nakatagong patalim at undayan nang sunud-sunod na saksak ang una.

Nagresponde ang mga operatiba ng pulisya at nasakote ang suspek habang hawak pa ang duguang patalim na sumusukat ng 12.5 pulgada.

Narekober din ang isang kapirasong papel na naglalaman ng sulat ng suspek na kaya niya pinaslang ang biktima ay dahil sa hiniwalayan siya nito.

vuukle comment

BARANGAY CENTRAL

CENTRAL BARANGAY

DIPOLOG CITY

FELICIANO PASTOR

KANTO FIESTA CARINDERIA

LACAYA ST.

LUNA ST.

NELDA PORLAS

NORTE MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with