^

Police Metro

Pamilya, 4 patay sa kuryente

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Apat na miyembro ng isang pamil­ya kabilang ang isang pulis ang nasawi matapos na sila ay makuryente kamakalawa sa Butuan City, Agusan del Norte.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Azucena Tan, anak nitong sina PO1 Brian Tan, Aileen Tan-Tiu at manugang na si Jundree Tiu.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon ng maganap ang malagim na insidente sa bahay ng mga biktma sa East Wood Subdivision, Brgy. Baan KM 3.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na nagkakabit si Azucena ng sampayan ng damit mula sa kanilang tahanan at ikinabit ito sa poste sa tabing kalsada na li­ngid sa kaalaman nito ay konektado sa live wire.

Nagkikisay si Azucena na agad sinaklolohan ng dalawang anak nito at manugang, subalit maging sila din ay nakuryente na agad nilang ikinasawi.

“May illegal connection yung developer ng subdivision, hindi alam nitong pamilya na bagong lipat sa lugar,” anang opisyal.

Nakatakdang sampahan ng pulisya ng kasong multiple homicide ang developer.

vuukle comment

AGUSAN

AILEEN TAN-TIU

APAT

AZUCENA

AZUCENA TAN

BRIAN TAN

BUTUAN CITY

EAST WOOD SUBDIVISION

JUNDREE TIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with