^

Police Metro

Coed nakaligtas sa rape

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sapul ang ari ng isang lalaki na tangkang gahasain ang isang 24-anyos na kolehiyala sa isang rubber plantation sa Brgy. Tiayon, Ipil, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi.

Itinago ang biktima sa pangalang Nympha, second year college sa Western Mindanao State University at residente sa lugar.

Sa ulat, dakong alas-7:20 ng gabi ay naglalakad mag-isa si Nympha sa madilim na bahagi ng Purok Bangkal, Brgy. Tiayon, Ipil nang harangin ng suspek.

Agad pinagsusuntok sa sikmura at iba pang bahagi ng katawan ng suspek ang bikitma at kinaladkad sa rubber plantation.

Habang namimilipit sa sakit ay sinamantala na wasakin ang blouse saka hinubaran ng pantalon at panty at pinaghihipo sa maseselang bahagi ng katawan ang biktima.

Nang akmang gagahasain na ang biktima ay naglakas loob ito na sipain sa ari ang suspek.

Habang namimilipit sa sakit ang suspek ay hubo’t hubad na nagtatakbo ang biktima bitbit ang kaniyang damit  hanggang sa makarating sa checkpoint ng pulisya at dito na humingi ng tulong.

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

HABANG

ITINAGO

NANG

PUROK BANGKAL

SAPUL

TIAYON

WESTERN MINDANAO STATE UNIVERSITY

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with