Binata nakuryente tigok
MANILA, Philippines - Patay ang isang binata nang aksidenteng makuryente sa Dagupan City, Pangasinan kamakalawa.
Kinilala ang nasawi na si Jay-ar Estrada, 22, residente ng nasabing lungsod.
Sa ulat ng Pangasinan Police, naganap ang insidente bandang alas-5 ng hapon habang naglalakad sa palaisdaan para umuwi sa kanilang tahanan ang biktima ay bigla na lang nitong natapakan ang live wire na nakabitin dito.
Bunga nito ay agad nagkikisay ang biktima matapos na dumaloy sa katawan nito ang malakas na boltahe ng kuryente.
Samantalang kasalukuyan namang pinagaaralan ng pamilya ng biktima kung magsasampa sila ng kaso laban sa may-ari ng palaisdaan.
- Latest