^

Police Metro

PDEA: P3M reward para sa 5 tiktik

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Makakaranas ng masayang pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong sa Bagong taon ang limang sibilyan nang makatanggap ang mga ito ng kabuuang P3 milyon bunga ng pagbibigay ng impormasyong nagresulta sa pagkakabuwag ng malaking sindikato na sangkot sa iligal na droga, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr., ang pabuya ay bunga ng prog­ramang Operation: Private Eye (OPE), na ang mga  impormante ay personal na inabutan ng cash reward na may kabuuang P2,998,358.25 na ginanap sa Flag Raising ceremony sa PDEA National Headquarters Quezon City.

Ang lima ay kinilala sa mga codename na Omar, Reggie, Machete, Kulot at Coleen Sarmiento.

Sa mga impormanteng si Coleen Sarmiento ang nakatanggap ng malaking reward na nagkakahalaga ng P1.5 milyon dahil sa impormasyon na nagresulta sa pagkakabuwag ng isang laboratoryo ng shabu at pagkakasamsam ng may 16.51 kilograms at 35.25 litro ng shabu, at ang pagkakadakip sa anim na dayuhan sa ginawang pagsalakay sa bisa ng isang search warrant sa Camiling, Tarlac noong November 6, 2014.

Si Reggie ang sumunod na nakatanggap ng malaki na aabot sa  P732,414.84 matapos makapagbigay ng impormasyon na nagresulta sa pagkakasamsam ng 10,831.30 gramo ng shabu at ang pagkakadakip sa dalawang personalidad sa droga sa isang anti-drug operation sa Binondo, Manila noong April 8, 2014.

Umabot naman sa P581,220.69 ang natanggap ni Kulot dahil sa impormasyong ibinigay nito para madakip ang anim na dayuhan at pagkakasamsam sa 1,810.10 gramo ng shabu at pakakabuwag sa maliit na laboratoryo ng shabu nang isagawa ang pagsalakay sa Industrial Estate Rincon, Valenzuela City noong October 15, 2014.

vuukle comment

CACDAC JR.

COLEEN SARMIENTO

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FLAG RAISING

INDUSTRIAL ESTATE RINCON

KULOT

NATIONAL HEADQUARTERS QUEZON CITY

PRIVATE EYE

SI REGGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with