^

Police Metro

2 Pinoy sa Qatar napisak ng bus

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang dalawang Pinoy kasama ang mga kasamahan nito habang pito pa ang malubhang nasugatan matapos silang araruhin ng pampasaherong bus sa isang bus station sa Doha, Qatar, iniulat kahapon.

Sa ulat na nakara­ting sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang dalawang Filipino nationals na nasawi ay isang 50-anyos na lalaki at isang 30-anyos na babae. Itinago muna ang kanilang pagkakakilanlan habang ipinaalam pa sa kanilang pamilya sa Pilipinas ang sinapit sa Doha.

Kinilala naman ang dalawa pang nasawi na sina Khan Mohamed Mubin, 33 at Jeswan Sanjay Kumar, 35, pawang Indian nationals habang ginagamot sa ospital ang pito pang katao bunsod ng matinding sugat na natamo sa insidente.

Sa ulat, dakong alas-12:45 ng tanghali noong Biyernes habang nag-aabang ng masasakyan ang dalawang Pinoy at iba pang mga pasahero sa Doha Central Bus Station sa Frij Al Ghanim area nang bigla silang banggain ng isang bus na nawalan ng kontrol.

Habang papasok umano ang bus route no. 156 sa terminal upang magpick-up ng mga pasahero nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa  tuluy-tuloy na bumangga ito sa mga nagkukumpulang pasahero at bystanders. Binangga rin umano ng nasabing bus ang isang nakaparadang taxi at ang nakalagay na barikada o harang sa loob ng bus station.

BINANGGA

BIYERNES

BUS

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DOHA

DOHA CENTRAL BUS STATION

FRIJ AL GHANIM

KHAN MOHAMED

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with