^

Police Metro

Mag-utol dedbol sa motor

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang  isang magkapatid na lalaki nang mabundol ang kanilang motorsiklo ng isang pampasaherong jeep kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Ang magkapatid na nasawi ay kinilalang sina Orwin Apin, 30; at Oscar Apin, Jr., 29, kapwa binata at residente ng no. 17 Alibangbang Street, Pangarap Village, ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw ay magkaangkas ang magkapatid sa  Honda motorcycle (1468-TL) at binabaybay ang southbound lane ng Quirino Highway patungo sa Quezon City nang mag-overtake sa isang pampasaherong bus at nakasalubong ang isang rumaragasang pampasaherong jeep at nabundol sila.

Sa lakas ng pagkakabundol ay tumilapon ang magkapatid ng may 20 metro at bumagsak sa sementadong kalsada sanhi ng matinding pinsala sa katawan.

Sa halip na tulungan ng driver ng jeep ay  tumakas ito tungo sa direksyon ng San Jose del Monte, Bulacan.

 

vuukle comment

ALIBANGBANG STREET

BATAY

BULACAN

CALOOCAN CITY

ORWIN APIN

OSCAR APIN

PANGARAP VILLAGE

QUEZON CITY

QUIRINO HIGHWAY

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with