^

Police Metro

Driver na holdaper tiklo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Arestado ang isang taxi driver habang pinagha­hanap ang dalawa nitong kasabwat matapos na hol­dapin ang kanyang mga pasahero  kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Nakakulong ngayon sa Pasay City Police detention cell ang suspek na si Victorio Duldulao Jr.,  33, may asawa,  ng #1980 F. Muñoz St., Barangay 43 ng naturang lungsod habang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawa pang suspek.

Takot na takot namang nagtungo sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ang biktimang si Jocelyn Alit, isang empleyado,  ng Area 4,  Joyful  St., Bagong Silangan, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon naganap ang insidente dakong alas-2:20 ng madaling-araw sa  hindi kalayuan  ng NAIA Terminal-3 ng naturang lungsod, kung saan sumakay ang mga ito sa kulay putting taxi na Val&Vangie (PYZ-465) para magpahatid sa Quezon City.

Ngunit habang binabagtas ang panulukan  ng Andrew Avenue patungong Circulo Del Mundo, Pasay City ay biglang itinigil ng driver ang kanyang taxi sabay na sumakay ang dalawang lalaki at agad na tinutukan ng patalim ang magtiyahin at nagpahayag ng hold-up at kinuha ang shoulder bag ng biktima na naglalaman ng P2,000 at mabilis na bumaba ng taxi at tumakas.

Agad na humingi ng tulong ang mga biktima sa mga barangay tanod na naging dahilan upang maaresto ang driver na kalaunan ay umamin na kilala niya ang isang suspek sa pangalang alias “Roy”.

Dahil dito’y mabilis na ikinulong ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa illegal possession of deadly weapon matapos makumpiskahan ito ng  isang mahabang patalim  sa loob ng kanyang minamanehong taxi.

vuukle comment

ANDREW AVENUE

BAGONG SILANGAN

CIRCULO DEL MUNDO

JOCELYN ALIT

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

QUEZON CITY

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with