^

Police Metro

Misis nanganak sa kasagsagan ng bagyong Ruby

Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanganak ang isang 26-anyos na ginang sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ruby sa lalawigan ng Sorsogon kamakalawa.

Si Gerielyn Luces, residente ng Brgy. Oras, Eastern Samar ay isa sa mga pasahero na na-stranded sa nasabing pantalan dahil sa bagyong Ruby ay inabutan ng panganganak kaya’t nadala ito sa Camachiles Health Center at nailuwal ang isang sanggol na babae at posibleng isunod ang pangalan sa bagyong Ruby.

Nabatid na dumating sa pantalan si Luces upang makipagsapalaran na makatawid patungo sa kanilang probinsya, subalit hindi na pinayagan ng Philippine Coast  Guard dahilan sa lakas ng alon at bugso ng hangin dulot ng bagyong Ruby na tumama na sa Kabikulan.

Dahilan sa dami ng pasaherong naistranded sa pantalan ng Matnog hindi naging komportable si Luces hanggang sa abutin ng paghilab ng tiyan.

vuukle comment

BRGY

CAMACHILES HEALTH CENTER

DAHILAN

EASTERN SAMAR

KABIKULAN

MATNOG

NABATID

NANGANAK

PHILIPPINE COAST

SI GERIELYN LUCES

SORSOGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with