^

Police Metro

Amok sa kampo: 2 parak utas

Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ang dalawang pulis kabilang ang isang nag-amok habang dalawa ang nasugatan naganap sa loob ng Camp Alejandro Suarez, Bongao, Tawi-Tawi kamakalawa ng gabi.

Ang nasawing mga pulis ay kinilalang sina PO2 Alano Julwahid, duty sentinel  at PO1 Mario Tobias na siyang nag-amok.

Batay sa ulat na natanggap ni Tawi-Tawi Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Joselito Salido, bago nangyari ang insidente, dakong alas-8:00 ng gabi sa Camp Alejandro Suarez sa kapitolyo ng Bongao ng lalawigang ito ay galit na tinungo ni PO1 Tobias ang kampo at  hinahanap ang isang opis­yal ng pulisya na pinaghihinalaan nitong dahilan kung bakit nalipat siya ng destino sa Regional Public Safety Battalion sa Sulu Provincial Police Office.

“He appears to be under the influence of drugs when he barge into the camp looking for a police officer”, pahayag ni Salido na galit at nagmumura pang  umalis matapos na pigilan ng duty sentinel na si PO2 Julwahid.

Ilang saglit ay bumalik si PO1 Tobias na may bitbit na M16 rifle at  agad pinagbabaril si PO2 Julwahid habang pumasok din ito sa loob ng kampo kung saan ay muling namaril na ikinasugat ng dalawang pulis na sina PO1 Bee Gubat at SPO4 Nurulla Kamaluddin.

Nagsagawa ng ope­rasyon ang mga otoridaddakong ala-1:45 ng mada­ling-araw.

Sa halip na sumuko ay namaril pa ang suspek na sa kabutihang palad ay walang tinamaan kaya’t napilitan ang arresting  team na barilin ito na siya nitong ikinasawi.-Joy Cantos-

 

ALANO JULWAHID

BEE GUBAT

BONGAO

CAMP ALEJANDRO SUAREZ

DIRECTOR SR. SUPT

JOSELITO SALIDO

JOY CANTOS

JULWAHID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with