Presyo ng LPG binawasan
MANILA, Philippines – Sa araw ng Lunes ay magpapatupad ang mga kumpanya ng liquified petroleum gas (LPG) na bawas-presyo.
Nag-abiso kahapon ang Petron Corporation, na magtatapyas sila ng P1.20 kada kilo sa Gasul at Fiesta Gas na may katumbas na P13.20 kada tangke na tumitimbang ng 11 kilogram.
Bukod sa cooking gas, magbabawas din ng halagang P0.65 kada litro sa Xtend Auto LPG ang Petron Corporation.
Ang bawas presyo ay base lamang sa panibagong pagbaba ng contract price sa pandaigdigang pamilihan.
Huling nagpatupad ng pagbaba sa presyo ng LPG noong Oktubre 2, 2014.
- Latest