^

Police Metro

Cayetano kay Bainay: ‘Atat’

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Walang kagatul-gatol na sinabihang “atat” ni Senate Majority Floor Leader Alan Peter Caye­tano si Vice President Jejomar Binay matapos na mapaulat na nagsabi umano ito sa mga miyem­bro ng Boys Scout of the Philippines na “See you in Malacañang”.

Ayon kay Cayetano, bagaman at natutuwa siya  dahil sa sobrang bilib sa sarili si Binay tinawag pa rin niya itong “atat”.

Nilinaw naman ni  Cayetano na dalawa ang ibig sabihin ng ‘atat’ kung saan ang unang kahulugan ay “gustong-gusto” at ang ikalawa naman ay “Atras Tago-Atras-Tago”.

Inihalimbawa ni Cayetano ang ginawang paghahamon ni Binay ng debate kay Senator Antonio Trillanes pagkatapos ay biglang umatras ng nalalapit na ang araw ng kanilang debate.

Ang kailangan umano ng bansa ay isang presidenteng palaban at hindi isang ‘atat’.

Idinagdag rin ni Caye­tano na nasa taumbayan na kung nais nilang mamuno sa Pilipinas ang isang lider na ‘atat’.

Isa si Cayetano sa posibleng tumakbong presidente sa 2016 kung saan posibleng makalaban niya si Binay.

Pero ayon sa senador, ibabase pa rin niya ang kanyang desisyon sa kalalabasan ng mga surveys.

vuukle comment

ATRAS TAGO-ATRAS-TAGO

AYON

BINAY

BOYS SCOUT OF THE PHILIPPINES

CAYETANO

SENATE MAJORITY FLOOR LEADER ALAN PETER CAYE

SENATOR ANTONIO TRILLANES

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with