^

Police Metro

MMDA traffic enforcer gulpi-sarado sa motorista

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasugatan ang isang traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nang gulpihin at kaladkarin ng isang motorista na sakay ng isang sport car na kanyang sinita dahil sa pag­labag sa batas trapiko sa Quezon City kahapon.

Kinilala ang biktima na si Jorby Adriatico, nasa hustong gulang at miyembro ng MMDA na duguang isinugod sa ospital dahil sa tinamong sugat sa ilong nang sapakin ng isang hindi nakikilalang motorista na nasa edad na 30 at sakay ng isang sports car na may tatak na marshal Maserati na walang plaka.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga ay nagmamando ng trapik si Ad­riatico kasama ng isang Rodolfo Fernandez nang makita nila ang sports car na galing ng Del Monte na kumaliwa sa Araneta Avenue.

Dahil bawal ang mag-u-turn sa lugar ay nagpasya si Adriatico na kunan na lang ito ng litrato para maging ebidensya na minasama ng driver ng sports car at nag-dirty finger ito.

Ilang sandali ay mu­ling nag-U-turn ang nasabing motorista sa intersection papunta sa kanila saka huminto malapit kay Adriatico.

Lumapit si Adriatico sa motorista at pinakiusapan niyang ulitin ang ginawang pag-dirty finger sa kanya.

Bigla na lamang hinablot ng driver ang kanyang uniporme at  pinaandar ito dahilan para makaladkad at habang kinakaladkad ay sinusuntok siya ng driver sa mukha.

Pinakawalan lamang si Adriatico pagsapit sa Scout Chuatoco at bago umalis ay hinagisan pa ng damit ang una para ipamunas sa umaagos na dugo sa kanyang mukha kalaunan ay nakilala ang driver na si Joseph Russel A. Ingco.

 

vuukle comment

ADRIATICO

ARANETA AVENUE

DEL MONTE

JORBY ADRIATICO

JOSEPH RUSSEL A

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

RODOLFO FERNANDEZ

SCOUT CHUATOCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with