^

Police Metro

Judge kulong sa kotong

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Anim na buwan hanggang tatlong taong pagkakulong ang inihatol ng Sandiganbayan  sa  dating San Ildefonso, Bulacan Municipal Trial Court (MTC) Judge Henry Domingo matapos mapatunayang guilty sa kasong indirect bribery na kinalaman sa pangingikil noong Pebrero 2003.

Ayon sa complainant  na si Ildefonso Cuevas na noong Pebrero 7,2003 hearing ay inimbitahan siya ni Judge Domingo sa loob ng chamber nito at sinabi sa kanya kung paano siya matutulungan.

Napagkasunduan ng dalawa na sila ay magkita sa isang restaurant sa may  Baliwag, Bulacan para doon pag usapan ang isyu sa kaso ni Cuevas.

Hindi alam  ni Domingo ay nakahingi na ng tulong si Cuevas sa NBI para isagawa ang isang surveillance sa kanilang meeting noong Pebrero 14, 2003 para sa P20,000.00 halaga  kapalit ng pagdismis sa kasong kriminal ng huli.

Nang isagawa ang bayaran noong Pebrero 17, 2003, naaresto ng mga ahente ng NBI si Domingo makaraang tanggapin ang P10,000.00 cash at isang tseke na may halagang  P10,000.00.

AYON

BALIWAG

BULACAN MUNICIPAL TRIAL COURT

CUEVAS

DOMINGO

ILDEFONSO CUEVAS

JUDGE DOMINGO

JUDGE HENRY DOMINGO

PEBRERO

SAN ILDEFONSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with