^

Police Metro

Bebot tinodas ng tatlong kelot

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Walang awang pinatay ng tatlong lalaki ang isang babae sa pamamagitan nang pagsaksak dito at pagbaril kahapon ng madaling araw sa Brgy. Palatiw, Pasig City.

Ang biktima ay inilarawan na nasa pagitan ng edad 20-25, may taas na 5’1”, kayumanggi, naka-sleeveless na blouse  at printed leggings.

Sa salaysay ng isang 22-anyos na lalaki dakong alas-3:50 ng madaling araw sa Market Avenue ng nasabing barangay ay naalimpungatan siya nang makarinig ng tahulan ng mga aso sa labas ng bahay.

Nang silipin ay nakita niya  ang biktima na nakikipag-usap sa dalawang lalaki at nagwika ng “Ginagawa ko naman ang pinagagawa niyo ah!”

Inakala ng testigo  na tampuhan lamang ng magkakaibigan ang nagaganap kaya’t hindi na niya ito pinansin at ilang sandali ay narinig niyang umuungol ang babae at nang silipin ay pinagtutulungang saksakin ng dalawang suspek.
Lalabas sana ang testigo  upang tulungan ang babae ngunit nakita niya ang ikatlong suspek na papalapit at pinaputukan ng dalawang beses.

Narekober sa crime scene ang backpack  ng biktima na may dalawang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu na nakalagay sa posporo.

Kaya’t hinala ng pulisya na ang pagpatay ay may kaugnayan sa droga.

vuukle comment

BRGY

GINAGAWA

INAKALA

KAYA

LALABAS

MARKET AVENUE

NANG

NAREKOBER

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with